Chapter 17

2632 Words

“UH, Lola, nag-aral po ba ng veterinary si Rue?” hindi natimping tanong ni Cady kay Lola Marcela nang magkasalo na sila sa almusal, habang nasa mini dining set sila ng villa. “Bakit mo naman natanong ‘yan, hija?” ‘takang gagad nito. “Madalas po kasing tumutulong sa pag-aalaga ng hayop si Rue. May alam din po siya sa paggamot,” aniya. Napansin niya ang balisang eskpresyon ng matanda. Nangunot ang noo nito. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo, hija?” hindi makapaniwalang wika nito. “Opo,” mariing tugon niya. “Hindi nag-aral ng veterinary si Rue at lalong wala siyang alam sa pag-aalaga ng mga hayop. Halos ayaw nga niyang humawak ng hayop kahit aso o pusa. Si Ruki ang veterinarian kasi nag-aral siya sa California at nakapasa sa licensing exam.” Natigilan si Cady. Hindi niya malaman kung ano

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD