KINABUKASAN. Himala dahil naunang nagising si Cady kaysa kay Rue. Alas-siyete na ng umaga pero mahimbing pa ang tulog nito. Naligo na siya dahil maya-maya ay darating na si Chef Lara para sa ikalawang araw ng cooking lesson niya. Exciting pa naman ang susunod nilang gagawin dahil tuturuan siya nitong mag-bake. Pagkatapos niyang maligo ay nagluto na siya ng almusal. Nag-level up ang breakfast menu niya dahil natuto na siyang magluto ng sunny-side-up egg. Nagpahinga muna siya sa hotdog. Sausage naman at pork tocino ang niluto niya. Saktong naluto ang almusal ay nagising na si Rue. Nakaligo na ito at tanging puting T-shirt ang suot at itim na jersey short pants. Dumeretso ito sa komedor kung saan nakahain na ang almusal sa lamesa. Lumuklok ito sa silya at pinagmasdan ang mga niluto niya. “