SINUNOD ni Cady ang request ni Rue na chicken inasal naman ang ulam nila sa gabi. Kaya pala, may balak itong mag-inuman sila. Hindi siya nito tinantanan hanggat hindi siya pumapayag sa gusto nitong night swimming. Matutulog na sana siya nang sugurin siya nito sa kuwarto at binuhat. “Rue, ano ba! Ibaba mo ako!” protesta niya habang nagpupumiglas. “You’re so cold, honey. Kung ganyan ka palagi, baka hindi aabot ng isang taon ang marriage life natin. Every weekend nga lang ang pag-stay mo sa bahay ko ‘tapos tutulugan mo lang ako? Come on, let’s have fun,” sabi nito. Napakalakas ni Rue. Kahit magwala siya ay hindi siya makawala sa mga bisig nito. Pagdating sa mini resort nito ay inihagis siya nito sa swimming pool. Kaagad din naman siya nitong sinundan. Pag-angat niya’y nasa harapan na niy