PAGKATAPOS ng hapunan ay nauna na sa kuwarto si Cady. Nagpaalam si Rue na magsu-swimming muna. Habang wala pa ito ay nagbabad siya sa f*******: at nakipagtsikahan sa mga kaibigan niya. Nangako si Amy na dadalawin siya sa kanyang opisina sa susunod na linggo kapag nakapag-day-off ito. Ibinalita nito na limang buwan na itong buntis sa panganay nito. Civil engineer ang asawa ni Amy, na dating kaklase ng pinsan nito’ng si Gab. Nagtatrabaho bilang HR assistant si Amy sa construction company na pinagtatrabahuhan ng asawa nito’ng si Alex. Matagal na niya itong gustong i-hire sa kumpanya nila pero ayaw nito. Ayaw raw nitong mapalayo kay Alex. Inaasahan niya na naikuwento na rin nito kay Gab ang estado niya sa buhay pero napansin niya sa tuwing ka-chat niya si Gab ay puro sweet massages ang pinap