Adelina's Point of View 'Adi...' Nagpalinga-linga ako sa paligid nang marinig ko ang boses ni Dada. 'Adi...' Halos mabali na ang leeg ko pero hindi ko pa rin siya makita. Kung saan-saan na ako tumingin. "Nasaan ka, Dada?" tanong ko. Ngunit natigilan ako nang biglang magdilim ang paligid. Wala akong ibang makita kundi purong itim. 'Adi, nandito ako...' Sinundan ko ang boses at natigilan ako nang hindi ang batang Dada ang nakita ko kundi si Amadeo. "A-Amadeo..." tawag ko. Kasabay no'n ay ang unti-unting pagliwanag ng paligid na halos masilaw na ako dahilan para mapapikit ako. Sa pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang isang 'di pamilyar na silid. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Kulay abo ang pintura at medyo madilim. Sinubukan kong gumalaw, pero doon ko lang napansin

