Adelina's Point of View Umagang-umaga pa lang pero antok na antok na ako at tila nahihilo. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Nanghihina ang katawan ko kahit kompleto pa ang tulog ko. May kung anong bigat din akong nararamdaman na 'di ko alam kung saan nanggagaling. "Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?" tanong sa akin ni Manang Pasita na napansin ang makailang beses kong paghikab. "Nakatulog naman po, Manang. Sa totoo nga niyan ay maaga akong nakatulog kagabi," sagot ko sa kanya. "Ewan ko rin kung bakit antok na antok ako." "Nako, baka buntis ka na, ha," pabiro niyang sagot at mahinang tumawa bago umalis dala-dala ang mga panlinis niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ako, buntis? Awtomatikong sumagi sa isip ko ang huling pagsisiping namin ni Amadeo, at doon ko lang

