Adelina’s Point of View Isang malungkot na balita ang bumulabog sa buong organisasyon—ang pagpanaw ng ama ng lahat. Lahat ay nabigla sa pagkamatay ng godfather, at kasalukuyang ginagawa ng organisasyon ang lahat para mahanap ang responsable sa pagkamatay ng lider ng samahan. Lahat ng kasama ng godfather mula sa Europa ay namatay sa pananambang ng mga hindi pa kilalang kalalakihan. Ramdam ang bigat at lungkot sa buong organisasyon. Tila napilayan ang bawat isa—hindi makagalaw, hindi makausad. Pero kung may isa man sa pinakanaapektuhan, ‘yon ay walang iba kundi si Amadeo. Mula nang malaman niyang namatay ang kanyang ama, ay hindi pa ito lumalabas sa kwarto niya. Hindi ito pumapayag na may pumasok o kumausap man lang sa kanya, kahit pa si Manang Pasita. Magta-tatlong araw na itong nakakul

