Mabigat ang hanging pumapalibot sa mansyon ni Maximo. Tahimik at nakakapanindig-balahibo. Ramdam ng lahat nang naroon ang bigat at galit na nagmumula sa kanilang boss. Walang nagsalita. Walang umiimik. Tanging tunog lang ng mga nababasag na vase ang maririnig. “f**k them! f**k them all!” Umalingawngaw ang nanggagalaiting boses niya saka sinundan ng ingay mula sa nabasag na salamin. Hingal na hingal siyang tumigil. Taas-baba ang kanyang balikat at halos mag-isang linya ang kanyang kilay. Nanginiginig ang katawan niya sa galit at nagsisilabasan ang mga ugat sa kanyang braso dahil sa tindi ng pagkakakuyom niya sa kanyang magkabilang kamao. Ayaw niyang maniwala. Ayaw niyang paniwalaan, pero alam niyang tama siya nang narinig. Alam niyang malinaw niyang narinig mula sa bibig ng kanyang am

