Napamura na lang ako nang makita kong sinusubukan nila akong palibutan. Palapit nang palapit ang mga pulang tuldok sa kinaroroonan ko. Kaya naman ay mas binilisan ko ang pagpapatakbo. Halos sambitin na ni Pedro ang lahat ng santong kilala niya habang mahigpit na nakayakap sa akin. Naluluha na ang mga mata ko dahil sa hapding dala ng hangin na tumatama sa aking mukha. Halos wala na akong makita sa paligid. Ang tanging malinaw lang sa aking mga mata ay ang daan sa harapan ko at ang mga sasakyang iniiwasan ko. Busina rito, busina roon. Umaalingawngaw ang mga busina ng mga sasakyang inuungusan ko. “Nasaan na ang mga tauhan ni Pedro?” sigaw ko mula sa kabilang linya. “Malapit na kaming maabutan nina Amadeo Salvatore!” “Sending you their current location,” tugon nito kaya saglit kong tiningna

