Adelina's Point of View "Locating targets..." dinig kong sambit ng tauhan ni Heidi mula sa kabilang linya. Huminto ako sa pagpapatakbo ng sasakyan para ayusin ang earpiece na suot. "1000 meters away from the client." "Pakisabihan si Pedro na 'wag mag-panic. Papunta na ako. Sabihan mong umakto nang normal. Akong bahala sa kanya," sagot ko saka muling isinuot ang helmet at pinaharurot ang motorsiklo. Halos dumapa na ako habang pabilis nang pabilis ang takbo ng motor. Nanlalabo na ang paligid ko—ang tanging malinaw na lang ay ang daan sa aking harapan. Pasimple kong tinitingnan ang pulang mga bilog sa cellphone ko. "I already coordinated with Pedro's group, Luna," pagpapaalam ng kausap ko. "They're ready." "Mabuti. Sabihan mo sila malapit na ako," sagot ko saka itinigil ang motor sa i

