Adelina's Point of View Ilang araw na ang lumipas mula nang magkamalay si Amadeo, ngunit patuloy pa rin siyang nagpapagaling dahil sa lala ng pinsalang natamo niya. Habang ako naman ay tuluyan nang na-discharge at kasalukuyang inaalagaan ang taong mahal ko. "Kain ka pa," matigas kong sabi habang sinusubuan siya. "Kailangan mong kumain nang marami para manumbalik agad ang lakas mo." "I'm full already, Adi," aniya at marahang itinulak ang kutsara palayo. "You finish it." "Hindi pwede. Ubusin mo," pilit ko sa kanya saka ko siya sinamaan ng tingin. "Kapag hindi mo inubos 'yan, 'di na rin ako kakain nang maayos," pagbabanta ko sa kanya kaya sinubo niya agad ang pagkain. "You really know how to make me do what you want," aniya habang ngumunguya. Lumulobo pa ang pisngi niya sa dami ng pagka

