Hinang-hina at halos hindi pa makagalaw si Amadeo. Pakiramdam niya’y naubos ang lahat ng lakas na mayroon siya. Ni simpleng paggalaw ng kanyang ulo ay hirap siyang gawin. Nakatitig lang siya sa puting kisame habang nag-iipon ng lakas. Maya-maya pa’y may mga dumating nang nurse para asikasuhin siya. Ibinuka niya ang kanyang bibig. Gusto niyang magtanong kung nasaan sina Adelina, pero walang lumalabas na boses sa bibig niya. Ni simpleng pagbanggit ng salita ay hindi niya magawa. Labis-labis na pagod at panghihina ang kanyang nararamdaman. Gusto niyang gumalaw. Gusto niyang bumangon o kahit man lang mabanggit ang pangalan ni Adelina. Dahil sa mga panahong wala siyang malay ay ito lang ang tanging laman ng panaginip niya. Ang dami niyang gustong itanong. Ang dami niyang gustong malaman. Hi

