Adelina's Point of View Unti-unting pumasok sa tainga ko ang tunog ng aparatu, nanuot sa aking ilong ang amoy ng medisina, at niyapos ako ng lamig ng hangin sa paligid. Unti-unti ko ring naramdaman ang bigat ng aking katawan at ang kirot ng aking ulo. Sa marahang pagmulat ng aking nanlalabong mga mata ay sinalubong ako ng puting kisame at ng nakakasilaw na liwanag. Muli akong pumikit. Huminga nang malalim saka muling nagmulat. Sa pagkakataong ito ay mas malinaw na ang paligid. Sa paglibot ng aking mga mata ay una kong nakita ang dextrose na nakakabit sa akin. Sunod naman ay ang palumpon ng mga rosas na nakasilid sa isang babasaging vase. Walang katao-tao. Ako lang mag-isa. Pero may mga bakas na may nanggaling sa silid kasama ko. "A-Amadeo..." Iyon ang unang namutawi sa aking

