“Manang...” nanghihinang tawag ni Adelina habang nakahiga siya sa hospital bed. “Si Amadeo...Magiging okay lang siya, ‘di ba? ‘Di ba?” tanong niya. Pero sa totoo lang, ay hindi lang ‘yon isang tanong. Iyon ay paraan niya rin para kumbinsihin ang sarili niya na magiging ayos din ang lahat; na magiging okay si Amadeo. “Huwag mo munang isipin si Amadeo. Isipin mo muna ang sarili mo,” matigas ngunit may pag-aalalang sagot ni Pasita. Pinagmasdan niya ang babae at hindi niya mapigilang maawa sa kalagayan nito—puno ng sugat, pasa, at bakas na bakas ang pagod sa mukha nito. Alam niyang sanay na ito sa ganitong sitwasyon, pero hindi niya pa rin mapigilang maawa rito. Alam na alam niya kung gaano kahirap maging assassin; kung gaano kabigat dalhin ang mga buhay na nalagas sa mga palad mo; kung paa

