Adelina's Point of View Hinang-hina na at halos hindi na ako makalakad nang maayos dahil sa mga pinsalang natamo ko na dinagdagan pa ng labis na pagod. Para akong hinihele dahil sa hilong nararamdaman ko, pero pinipilit ko pa ring tumayo—humakbang; mapuntahan lang si Amadeo. Gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman kung ano ang kalagayan niya. Hindi ako mapapanatag hangga’t hindi ko ‘yon nalalaman. “Adelina...Nasa’n ka na?” rinig kong tanong sa akin ni Pablo mula sa earpiece. “H-Hindi ko alam, Pablo. Hindi ko na alam kung nasaan ako...Pero...Pero darating ako. Darating ako pangako ‘yan,” nanghihinang sagot ko. Huminga ako nang malalim saka saglit na huminto para magpahinga at makabawi ng lakas. “Pangako...” Hindi ko na kinaya ang panghihina ng katawan ko kaya napaupo na lang ako sa k

