"f**k!" Malutong na mura ni Maximo habang minamaneho ang personal niyang kotse. Ilang beses niyang hinampas ang manibela dahil sa labis na gigil at prustrasyon. "Why did things end this way? f**k!" Pasimple siyang tumingin sa side mirror upang tingnan ang sitwasyon sa likuran niya. At hindi siya makapaniwalang naging gano'n ang resulta. He was so sure that he planned it well. He was so sure that he was ready. Pero bakit gano'n? What the f**k went wrong? Nakagat na lang niya ang labi saka pinaharurot ang kanyang sasakyan. He needs to escape. Hindi pwedeng madamay siya sa gulo. He can't die. He can't let anyone take his head off—not when he got everything he wanted! Sisiguraduhin niyang pagsisisihan nila Adelina ang ginawa nilang 'to. Once this is all over, he will make sure to rise up ag

