Maingat ang bawat galaw ni Adelina habang tinatahak ang madilim na pasilyo ng mansyon. Ilang tauhan na ni Maximo ang napatumba niya, ngunit hindi niya pa rin nahahagilap maging ang anino nito. Wala ni isang sumagot sa kanya nang magtanong siya kung nasaan si Maximo. Nakagat niya ang kanyang labi. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya; kung ano ang dapat niyang unahin—ang hanapin ba si Maximo o ang hanapin si Amadeo. Ngunit tingin niya’y ang susi para makita niya ang mimanahal ay kapag nahanap niya ang hinayupak na dumukot dito. Sinuyod na niya ang bawat palapag, ngunit wala siyang nakitang ni isang bakas ni Amadeo at Maximo. Ang naiwang parte na lang ng mansyon na hindi niya nasusuyod ay ang basement—ang lugar kung saan siya ikinulong. Patungo na sana siya roon nang may mahagip an

