“Tang*na...” Napamura na lang si Pasita nang makita niya ang hilera ng mga sasakyang papunta sa mansyon. Triple ang dami ng mga ito sa bilang nila. Hindi nila ito kakayanin. Mahihirapan sila. Kakabalik niya pa lang sa pagiging assassin pero mukhang masusubok na agad ang abilidad niya. “Baby sniper...” Hinaplos niya ang kanyang pulang armas. “Oras na para mag-rock ‘n roll,” dagdag niya saka umakyat pa sa mas mataas na bahagi ng puno. Mababa ang tiyansa nilang manalo, pero hindi zero—at nakasalay sa kanya ang magiging tagumpay nila. Siya ang magiging bida ngayong gabi. Papagaspas ang pakpak ng pulang paru-paro sa ilalim ng bilog na buwan. "Pablo, siguraduhin n'yong titigil ang mga kalaban," sambit niya rito. Alam niyang naguguluhan pa ito sa nangyayari, lalo na sa pagkatao niya. Wala ka

