Namimilipit sa sakit si Amadeo. Halos hindi na niya maramdaman ang kanyang mukha sa tindi ng pamamanhid nito. Hindi na rin niya maibuka nang maayos ang kanyang mga mata dahil sa pamamaga ng mga ito. Wala siyang ibang makita kundi pula—marahil ay napuno na ng dugo ang kanyang mga mata. Hirap din siyang huminga dahil sa sakit na nararamdaman niya sa tuwing lumalanghap siya ng hangin. Sa tingin niya’y nabalian siya ng buto sa tagiliran. He's good as dead. And he couldn’t help but hate himself for not being able to give a fight. Hinayaan niya lang si Maximo na gulpihin siya. He was so helpless. Pero anong magagawa niya? Maximo used his weakness against him. Kasalanan din naman niya kung bakit siya nagkaganito. Nagpakatanga siya. Pinili niyang sumugod pa rin dito sa mansyon kahit alam niyan

