Adelina's Point of View “Mauna na ako, Adelina, ha? Magbi-video call pa kami ng boyfriend ko,” nakangising paalam sa akin ni Manang Pasita nang matapos siyang maglinis sa kusina. Tumango lang ako sa kanya saka ko hinarap ang mga hugasin. Ako kasi ang nakatoka sa paghuhugas, at sinadya ko talagang maghugas pagkatapos naming maglinis sa buong kusina at nang ako na lang ang maiwan. Hindi ako komportableng magtrabaho nang may ibang kasama. Nang magsimula na akong magsabon ay lumipad na kung saan ang isipan ko. Binaha ng mga imahe ng mukha ni Sir Amadeo ang isip ko, dahilan para matigilan ako at mapailing. “Hindi. Erase. Erase.” Pinagpatuloy ko ang paghuhugas. Pinilit kong iba ang isipin ko, pero hindi talaga—mukha talaga ni Sir Amadeo ang nabubuo sa isipan ko na hinaluan pa ng mga maiinit

