Adelina’s Point of View Tahimik na tahimik ang buong mansyon. Wala sina Sir Amadeo, nasa labas ang mga tauhan habang si Manang Pasita naman ay tulog na tulog sa maid’s quarter kahit na tanghaling tapat. Perkpektong-perpekto ang pagkakataon para isagawa ko ang plano ko. Mula nang magsimula akong mamasukan dito ay wala akong sinayang na panahon—minarkahan ko ang mga angulo na may CCTV. Tinandaan ko ang mga blind spot at nang hindi ko na kailanganin pang patayin ang mga CCTV sa mansyon. Kunwari’y nagpupunas ako ng bintana pero sinisipat ko kung may mga tao sa paligid. At nang wala na ay pasimple akong pumunta sa unang blindspot ng CCTV—sa common CR sa second floor. May butas kasi roon na konektado sa lahat ng mga kwarto sa second floor. Nang makapasok ako ay agad kong hinubad ang aking un

