Adelina’s Point of View Balik na sa normal ang buhay ko—naglilinis sa mansyon kasama si Manang Pasita. Ilang araw na mula nang ianunsyo na kabilang si Sir Amadeo sa pagpipilian para maging susunod na Godfather, at mula no’n ay palagi na silang wala. Naging madalas ang pag-alis nila, lalo na sa gabi. Sa tingin ko’y nagiging madalas ang operasyon nila. “Adelina...” Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Manang Pasita. Iminuwestro niya ang kamay at sinenyasan akong lumapit sa kanya. “Meryenda muna tayo. Mamaya mo na ituloy ‘yang ginagawa mo.” Tumango lang ako saka lumapit sa kanya at sabay na kaming pumunta sa kusina. Nakahanda na ang tinapay at juice. “Salamat sa paghahanda nito, manang,” sabi ko sa kanya at kumuha na ng tinapay at juice. At habang kumakain ako ay

