Amadeo’s Point of View “Sure ka ba talaga, boss, na hahayaan mo silang mag-date?” Agad akong napalingon sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Pablo. Nakakunot ang kanyang noo habang lumalapit sa akin. “Hindi ba’t kayo pa ni Adelina?” “N-No,” sagot ko at marahang umiling. “Matagal na kaming wala,” paglilinaw ko sa kanya saka ako huminga nang malalim. “So, whatever business they have, labas na ako ro’n,” dagdag ko pa. “Sigurado ka?” aniya saka umupo sa katapat kong upuan. “Sasabihin ko sanang hindi ako manghihimasok sa buhay mo, pero panghihimasok pa rin naman ang sasabihin ko,” panimula niya at tumingin nang diretso sa akin. “Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa ni Adelina, pero sa mga mata ko, sobrang mali na hayaan mo siyang sumama sa iba. Hindi mo man lang ba siya ipa

