Adelina’s Point of View “Hindi ako makapaniwala na makakasama na kita sa misyon, Luna!” sabik na sabi sa akin ni Raven. Kay lapad ng ngisi niya habang nagmamaneho ng sasakyan. “Alam mo bang matagal ko na ‘tong pangarap?” “Oo, alam ko na kasi ilang beses mo nang sinabi sa akin,” nagsasawang sagot ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang sinabi ‘yon. Simula pa kanina nang magkita kami hanggang sa bumiyahe na kami papunta sa lokasyon ng susunod naming target, wala na siyang ibang bukambibig kundi ‘yon. “I just can’t help it. Sobrang saya ko lang,” aniya saka saglit na lumingon sa akin at matamis akong nginitian. “It’s a dream come true. I can die with a smile.” “Hindi kita hahayaang mamatay,” seryosong sabi ko sa kanya. “Hangga’t kasama kita, hangga’t magkadikit tayo, hindi ka

