Adelina’s Point of View “This is where we will stay for the next five days.” Halos malula ako sa laki at lawak ng mansyon na pinuntahan namin ni Sir Amadeo. Singlaki ito ng mansyon ng Godfather. Napakurap-kurap ako saka ako bumaling sa kanya. “A-Ang laki ng bahay na ‘to, sir. Kanino ‘to?” “This used to be a mafia base,” aniya saka siya umupo sa sofa at bumuga ng hangin, marahil napagod ito sa haba ng biyahe at sa pakikipag-usap kay Carlos at iba pang mga taong naroon. “But now, it’s nothing but an empty estate.” “Pero sino pong may-ari nito, kayo po ba?” Umiling siya saka pinagpag ang espasyong katabi niya. “Sit with me,” aniya at inunat ang braso at ipinatong sa sandalan. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Agad niya akong inakbayan saka sinagot ang tanong ko, “This is

