Adelina's Point of View Buong linggo akong hindi mapakali kakaisip kung paano ko isasagawa ang misyon gayong magkasama kami ni Sir Amadeo. Sinabihan ko na si Heidi tungkol dito at ang sinabi lang niya ay sumabay na lang ako sa agos at maghanap ng pagkakataon. 'You're not a top assassin for nothing, Luna. Find ways to accomplish your mission.' Ito ang huling mensahe niya sa akin. Napabuga na lang ako ng hangin saka napatingin sa lalaking katabi ko. Nakasakay kami ngayon sa private plane niya. Nasa loob kami ng pribadong kwarto niya habang nasa labas naman ang mga tauhan niyang kasama namin. Mahimbing itong natutulog habang nakaharap sa direksyon ko. Hindi ko mapigilang mapatitig sa payapa at mala-anghel niyang mukha, lalo na sa labi niyang bahagyang nakanguso. Sinong mag-aakalang is

