Adelina's Point of View "Since nandito ka na lang din, better take this chance to get to know Raven better," sabi ni Amadeo sa akin. "But before that..." Pinasadahan niya ako ng tingin, "...come with me." "Saan?" "Just come with me," matigas niyang sabi saka siya naunang maglakad. "Diyan ka muna. Balikan kita mamaya," sabi ko kay Raven saka ako sumunod kay Amadeo. "Okay. Hintayin kita rito," aniya at umupo sa sofa. Tinanguan ko lang siya saka ako mabilis na naglakad para mahabol ko si Amadeo. "Sinasadya mo ba talagang mang-akit, ha, Adelina?" bungad na sabi niya sa akin nang makahabol ako sa paglalakad. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Huminto siya sa paglalakad at kunot-noong lumingon sa akin. Muli niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. "That..

