CHAPTER 1 TULALA si Hillary habang kaharap ang kanyang superior. The final investigation about the shootout came out and it didn’t sink in her mind what her superior just said. “Proven that due to your lack of concern and excessive anxiety, you made a wrong move. Napatay mo ang isang inosenteng babae sa bangko, kaya pasalamat ka at suspinde lang ang aabutin mo.” anang kanilang Assistant Director na si, Brandon Jace Arguelles. Nakatitig ito sa kanya na parang inaanalisa nang husto ang reaksyon ng kanyang mukha. Ano nga bang dapat na maging reaksyon niya ba? As usual, a great discouragement was written all over her lovely face. Ang baba na naman ng tingin niya sa kanyang sarili at sa halip na madagdagan ang kanyang self confidence ay parang nabawasan na naman lalo. Mali ba talaga ang g