CHAPTER 2 Papunta pa lang sa parking lot si Hillary nang makita niya kaagad ang bulto ng isang lalaki na nakatayo sa may isang itim na Bugatti. Kusot ang mukha noon at halatang galit, pero hindi maitatago na walang kasing gwapo talaga. Sa pangalawang pagkakataon ay nag-krus ulit ang landas nila ni Vandrix de Lorenzo XI. Hawak noon ang pulsuhan ng isang batang lalaking malungkot na nakatungo. Kaagad siyang napaatras nang kaunti at biglang nakaramdam ng kakaibang kaba. Saan ba siya kinakabahan? Sa kagwapuhan ng lalaki o sa katotohanan na siya ang pumatay sa inosenteng ina ng bata na parang umiiyak sa mga oras na iyon? Shit! This is her fault. Mabuti na lang at hindi alam ng bata na siya ang nakapatay sa ina noon, kung hindi ay sobrang pagkasuklam siguro ang nararamdaman noon para sa kanya.