NAGISING SI DAPHNE sa yugyog ni Amelie. “Daph, gising. Wala kabang pasok bukas? Alas sieyete na, dito ka ba matutulog?” “Akala ko ba puwede ako dito?” “Puwede naman. Ang iniisip ko, ang pasok mo.” “Pahiramin mo na lang ako ng damit. Dala ko naman ang mga kailangan ko sa school.” Wala naman sigurong quiz kaya ayos lang na hindi siya mag-aral. “Sure.” Seryosong tumitig ito sa kan’ya kapagkuwan. “Nag-text ang asawa mo, anong sasabihin ko?” “Sabihin mo wala ako dito. Te-text ko na lang siya na May group work kami, kailangan kong mag-sleep over para matapos.” Tumango ang kaibigan. “Ikaw ang bahala.” “Salamat, Amelie.” Napayuko siya pero nag-angat din ng tingin sa kaibigan ng seryoso. “Anong gagawin ko? Sabihin mo nga sa akin ang maganda kong gawin. Wala akong maisip. Hindi ko rin al