NAPAHAWAK SI DAPHNE sa ulo nang maramdama ang pagkirot. Dumaing din siya kapagkuwan. Hindi pa man niya naiuupo ang sarili sa kama nang makaramdam ng pag-ikot ng paningin. Minabuti na lang niyang mahiga muna. Inilinga niya ang tingin sa buong silid. Wala siya sa silid niya. ‘Kanino kayang silid ito?’ tanong niya sa sarili. Natampal niya ang noo niya nang maalala ang professor niya, si Emmanuel Yu. Nasa bahay siya nito siguro. Hindi na kasi niya maalala ang sumunod na nangyari. Hindi nga siya nagkamali, ilang sandali lang ay pumasok si Emmanuel na may dalang tray. Nakakahiya dahil mukhang ipinagluto pa siya nito. “I’m sorry, Sir...” Sapo niya ang ulo habang iginigiya ang sarili paupo. “You need this soup para mabawasan ang hangover mo,” anito sabay lapag ng dala sa mesang nasa gil