PANAY ANG TAMPAL ni Daphne sa dibdib. Kanina pa siya kinakabahan. At nagsimula iyon matapos mabasa ang mensaheng iyon. Kanina pa din niya pinapakiramdaman ang tiyan. Hindi na nga siya makatulog, e. Wala talaga siyang maramdamang gumagalaw sa loob ng tiyan niya. Kahit na kinakausap niya, hindi man lang nagre-response. Hindi kagaya ng dati, na gumagalaw siya, kapag kinakausap niya, lalo na kapag paligid lang si BK. Natatakot siyang sabihin sa sarili, ngayon, parang hindi na. Wala ng katugon. Napapikit siya. Natatakot at kinakabahan na talaga siya. Gusto na niyang gisingin ang asawa para tanungin pero hindi niya maistorbo dahil tulog na tulog. Paggising na lang niya siguro bukas. Alas tres ng madaling araw na siya nakatulog kakaisip. Nagising na lang siya kinabukasan sa sunod-sunod na kat