“‘WAG NA ‘WAG kang magpapakita sa akin hangga’t hindi mo nakikita ang asawa ko!” sigaw ni BK sa kabilang linya nang tawagan siya ni White para ipaalam na nawawala ang asawa niya. Parang sinisilaban siya dahil sa nalaman. Sino bang hindi? Nawawala ang asawa niya! Paano kung nakuha ito ng mga Frost? Wala namang sinasanto ang pamilyang ‘yon, mga halang ang kaluluwa. Hindi na niya alam ang gagawin kapag nawala pa ang asawa. Sa anak pa nga lang nila, sobrang pighati na ang nadarama niya, ano pa kaya kung pati ang asawa? “Saan ka punta mo, BK?” kunot ang noong tanong ng ama sa kan’ya nang makita siyang pababa ng hagdan. Kasalukuyan niya ring isinusuot noon ang leather jacket. “Hahanapin ko si Daphne, ‘Pa.” Napadaing pa siya nang maramdaman ang pagkirot ng sugat niya. Pinalita na niya ng bend