Chapter 40: Edvard Frost

1186 Words

"HINDI KA PA raw kumakain?" "M-Max?!" hindi makapaniwalang sambit niya nang makilala ito. "Ako nga." Naupo ito sa kama na parang wala lan, at hinigit ang pagkain saka bumaling sa kan'ya. "Come here," ani pa nito. Pakiramdam niya nag-iba ang paraan ng pagsasalita nito. Lagi itong nakangiti sa kan'ya noon, at kung sumeryoso man ito, maaliwalas pa rin ang mukha. Umiling siya sabay suksok ng sarili sa gilid na hindi abot ni Max. Hinila niya rin ang kumot. Nakaramdam na siya ng takot dito. Nasaan ba kasi siya? Bakit narito si Max? Basta ang huling natandaan niya, may sinusundan siyang mag-ina. Hanggang doon lang ang naalala niya. "B-bakit ako narito?" "Dahil kailangan kita. Kailangan ka ng pamilya mo." "S-sinong pamilya?" "Kaya kumain ka na," anito imbes na sagutin ang tanong nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD