“OKAY NA BA?" tanong niya sa asawa habang inaayos niya ang sarili. Nakangiti lang ito sa kan’ya habang pinagmamasdan siya. “One more, baby,” ani ni BK imbes na sagutin ang sinabi niya. “Hinihintay na tayo sa dalampasigan, BK.” Humawak siya sa balikat nito para bumaba ng bangka. Inalalayan siya nito kapagkuwan. “Hayaan na natin sila. Maiintindihan naman nila kapag sinabi nating gumagawa tayo ng baby.” Alam niyang nagbibiro ito dahil may halong tawa. Pinanlakihan niya ito ng mata. "Halika na." Nagpatiuna na siya ng lakad dahil baka gawin nga nito ang sinabing isa pa. "Baby!" "Tumigil ka, BK!" sigaw niya dito na hindi ito nililingon. Alam niyang nakasunod pa rin ang asawa. "Okay. Basta mamaya ulit?" Naiiling na binilisan niya ang lakad. Tanda pa naman niya ang daang tinahak kanin