“WHAT TOOK YOU so long?” bulong sa kan’ya ni Frederik pagbalik niya. “Am I that long?” “Yeah.” Titig na titig ito sa kan’ya kaya nilambutan niya ang ekspresyon ng mukha niya. Buti na lang tinawag ito ng kakilala kaya nabaling ang atensyon ng kasama doon. Inilinga niya at tingin at hinanap ang asawa pero hindi niya ito matanaw. Hindi niya maiwasang kabahan sa mga sinabi nito. Paano nga kasi siya nito maliligtas kung laging nasa paligid niya si Frederik at mga tauhan nito? Napatingin siya sa stage nang marinig ang pangalan ng ama. Bakit ito ang tinawag sa gitna? Party ba ito ng kompanya nito? Sumabay siya sa madla nang magpalakpakan ang mga ito. Bumati ang ama sa mga taong naroon nang tumigil sa pagpalakpak ang madla. Hindi rin niya naintindihan ang sinabi nito mayamaya pero nagngit