BIGLANG INIT NG ulo ni Daphne nang makita ang lalaking iyon. Nagmadaling lumabas siya ng silid, hindi para salubungin ang ama, kung hindi ang kasama nito. May lakas pa talaga ng loob itong pumasok sa teritoryo nila! ‘Wag sabihin ng ama na nagpapaniwala ito kay Max? Paano kung padala ito ng Edvard na ‘yon? Wala naman siyang habol sa kompanya, ang kan’ya lang ayaw niyang mawala ito sa ama. Matagal na panahon nitong prinotektahan ang kompanya tapos mapupunta lang sa Edvard na ‘yon? “Anong ginagawa mo dito?!” malakas na pagkakasabi niya na ikinatingin ng ama sa kan’ya, maging ng mga tauhan nito. Kay Max niya ipinako ang tingin habang naglalakad papalapit dito. Nanggalaiti siya nang ngitian siya nito ng matamis, na para bang walang problema, na para bang walang nangyari. “Walanghiya ka! Ma