“MAMA.” NAPATITIG ANG ina ni Daphne sa kan'ya. Hindi man lang kumurap. Wala siyang mabasa sa ina habang nakatitig ito sa kan’ya. ‘Yong tipong parang hindi sila nito kilala. Walang emosyon ding tumingin ito sa ama niya, maging sa kapatid niyang si Max. Ibinalik ng ina ang tingin nito sa tinatahing damit. “Naliligaw yata kayo ng bahay.” Ngumiti pa siya pero sa tinatahi nito ito nakatingin. “Pakisara na lang ng pintuan paglabas niyo. Dahan-dahan lang, baka magising si Daphne.” Tumingin sa higaan nito. May manikang nakahiga doon. ‘Yon yata ang tinutukoy nitong Daphne, imbes na siya. Napalabi siya sa narinig. Siya pa rin ang iniisip ng ina. Ayaw niyang isipin, pero mukhang iba yata ang epekto ng ginawa ng mga ito sa ina niya. Kung nasa tamang pag-iisip ito, maglalaro ba ito ng manika? Na