HINDI PA NAG-IINIT ang likod niya sa kama nang marinig ulit ang tawag ni BK. Ang kulit din. Mga walong beses pa bago niya sinagot ang tawag nito. "Ano?" aniyang banas ng konti. Magpapahinga na nga siya, e. "Susunduin kita. Nasaan ka?" "Nasa malayo," sagot niya rito. "'Wag ako, Daph. Nasaan ka nga?!" medyo tumaas na ang boses nito. Aba'y anong trip ng asawa at nagagalit? Hindi ba ito naka-iskor sa girlfriend? "Pagod ako, BK. Bukas na tayo mag-usap. Okay? Goodnight!" Pinatayan niya ito ng telepono at nahiga ulit. Lakas maggalit-galitan, akala niya naman totoong hinahanap ako. Kasama naman nito ang girlfriend kaya dapat manahimik ito. Pero last na ng mga ito ang pagpunta sa bahay! Bawal na babae sa bahay! Hindi lang 'yan! Naku, hintayin lang nga nila mga ito mga gagawin niya sa su