“F*CK!” HINDI NIYA maiwasang mapataas ng boses nang makita ang laman ng box na tinanggap ng asawa. Halata ang pagka-shocked ng asawa dahil hindi na gumagalaw. Ni pag-blink ng mata ay hindi niya magawa. Sinamantala niya iyon at kinuha iyon saka binitbit palabas. Ipininatong niya iyon saglit sa mesang nasa labas at tinawagan si Ian. “What?!” Inilayo niya ang ear speaker nang marinig ang boses ni Paul. “I need you here. ASAP.” Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Mahirap na makipagsagutan kapag ganoon ang boses ni Paul kaya minsan dini-derekta niya. Ibinilin niya mayamaya sa guard na pakitingnan ang box at pinagsabihan na rin niya na susunod, ‘wag ng tumanggap ng kung ano, lalo na kung wala namang ibinilin. Malakas talaga ang kutob niya na may kinalaman ang nag-utos sa lalaki na ipapat