NAPATAWAG SIYA SA ina pagkatapos ng close-door meeting nilang tatlo nina Paul kasama ang asawa. Hindi pa niya sinabi sa ina ang nangyari sa kan’ya kanina at sa Bergen. Kinumusta niya ito at mukhang okay naman. Wala namang problema. Sabagay, siya lang ang sadya, at hindi nila alam kung nasaan ang kan’yang ina. “How is she?” “Okay naman daw siya. Pero hindi pa rin ako kampante,” aniya nang tumingin sa asawa. Siyem “Magre-request na lang ako kay Paul na security para sa Nanay mo, baby.” Bumaling siya sa asawa na nasa tabi niya. Nakauwi na rin ang mga kaibigan nito. Hindi na nga kumain ng dinner dahil may mga naghihintay sa ilan. “M-may bayad ‘yon ‘di ba? Wala akong pera.” Ngumiti sa kan’ya ang asawa. “Ano bang ginagawa ng asawa mo?” “Hindi naman ‘to kasama sa deal natin, BK.” Natigila