"WHAT?!" singhal niya nang magtawanan ang mga kaibigan niya. Nasaktan na nga siya, pinagtawanan pa siya! Grabe ka-supportive! Kakarating lang nila noon sa Maynila at narito sila ngayon sa helipad ng Spotlight. "May paluhod-luhod ka pang nalalaman, e may Amber ka pa! Langya. Paano ka babalikan ng asawa mo niyan?" tawang-tawa na sabi ni Kevin. "Sirarulo! Mahal na niya ang asawa niya kaya hayaan niyo siya. Mawawala na rin sa kan'ya ang isla niya at mapapasakamay ko na. For real!" singit ni Rixi na ang laki ng ngiti. "Magsitigil nga kayo! Hindi niyo alam ang nararamdaman ko kaya manahimik kayo!" aniya at tumayo pagkuwa'y hinigit ang leather jacket na ipinatong niya kanina sa sofa ng opisina ni Paul. "Legit?" dinig niyang tanong ni Paul sa ibang kaibigan. Ngayon lang kasi siya nag-walkou