"LOVE, MAY PROBLEMA ba tayo?" Napatingin si BK sa nobyang si Amber nang magtanong ito. "W-wala naman," aniya sa mahinang tinig at sumimsim ng alak. Si Daphne ang iniisip niya ng mga sandaling iyon. Narito sila ngayon ni Amber sa bahay nila ng asawa. Hindi naman siya dapat uuwi dito, si Amber lang ang mapilit. Parang hindi niya kayang mag-stay ng matagal dito lalo na sa silid niya. Kahit sa dating silid na inuukopa ng asawa. Mula ng iwan siya ng asawa, nakaramdam siya ng kahungkagan. Nakaka-miss ang presensya ng asawa. Dati na niyang nararamdaman ito pero hindi niya alam kung ano ba talaga ito. Kahit saang sulok niya nga ito nakikita. Minsan parang nababaliw na siya, nai-imagine niya ang asawa na kahalîkan, at minsan nga, katalîk. Nawalan siya ng gana sa ibang babae. Kahit kay Amb