Chapter 28: Visitor

1713 Words

“MAY IPAPABILI KA ba anak sa bayan?" tanong ina sa kan'ya nang lapitan siya. "Wala na po, 'Ma. Nabili ko na po kahapon." "Ganoon ba. Sige, aalis na ako. May pagkain naman na diyan, kumain ka na lang kapag nakaramdam ka ng gutom." Tumango siya sa ina. Hinatid niya rin ito ng sa tarangkahan ng bahay nila mayamaya. Mag-grocery daw ito dahil wala ng stock ng ilang pangangailangan nila. Pero hindi naman ganoon karami ang nasa listahan ng Mama niya. Actually, puwede 'yon bilhin sa susunod na bahay na may tindahan, ang kaso may kamahalan nga. Pero baka may iba pang sadya ang ina. Siya sana kahapon ang mamimili kaso ayaw ng ina dahil baka mapano daw ang nasa loob ng kan’yang sinapupunan. Simula nang malaman niyang nagdadalangtao siya, hindi na siya nito pinapagdala ng mga mabibigat na bagay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD