“B-BK,” ANIY NANG harapin ang asawa. Lungkot naman ang nakikita niya sa asawa kay hindi niya maiwasang mapakunot ang noo. Hinigit ni BK ang dalawang kamay niya kapagkuwan at dinala iyon sa labi. Masuyo na itong nakatingin sa kanya ngayon. “Patawarin mo ako dahil ngayon ko lang nakompirma. It has been on my mind, waiting for you to say it is mine. Pero nang makita ko ang pangalan ko sa report, it stated that you were married to me. Obviously, I am the baby's father. Ako anman talaga, ‘di ba?” masuyong tanong nito na ikinatango niya. Napasinghap siya nang bigla siya nitong yakapin ng mahigpit. “Ang tiyan ko, BK!” aniya nang maramdaman ang paggalaw ng anak nila sa loob. Nasa tabi niya kasi si BK kaya naglulumikot na naman. “Aww! Sorry, baby! Masakit ba?” aniyang sinilip pa siya. “Hindi