"SLEEP TIGHT," DINIG niyang sabi ni Max nang ihiga siya nito sa kama. Napangiti pa siya sa sinabi nito. Unang beses niya kasing sabihan ng gano’n. ‘Di naman niya narinig iyon mula kay BK Naramdaman niya ang paglagay ni Max ng kumot sa kan'ya. Hindi na niya namalayan ang ginagawa nito ng mga sumunod na oras dahil hinayon na talaga siya ng antok. Nagising siya kinabukasan na masakit ang ulo. Napadaing pa siya ng malakas. Malamang, dahil sa nainom niya na whiskey. Dapat espresso martiini na lang kasi, e. Natigilan si Daphne nang mapagtantong pamilyar sa kan’ya ang silid. Napatampal siya sa sa ulo nang maalalang kasama niya nga pala kagabi si Max. Sa kapatid niya itong hinihigaan niya. Napatingin siya sa pintuan nang bumukas iyon. Iniluwa no’n si Max na bagong paligo at may dalang mainit n