NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Daphne nang marinig ang sunod-sunod na katok ni BK. Pilit din niyang buksan ang pintuan. Papunta sana siya noon sa banyo. Bumalik na lang siya at nahiga ulit. "Daph! Buksan mo ang pintuan!" "Manigas ka!" aniyang siya lang ang nakakarinig. "Baby!" "Baby mong mukha mo!" Naiinis pa rin siya talaga kaya tinakpan niya ang taingang unan para hindi niya ito marinig. Tumingin siya sa malaking orasan niya. Alas tres na pala ng hapon. Hindi niya alam kung nagtagal ba ito sa pintuan dahil ibinalik niya ang sarili sa pagtulog sa sobrang inis. Akala niya, okay na siya kanina. Hindi pa pala. Nagising siya na madilim na. Papungas-pungas na bumangon siya. Pumasok muna siya ng banyo para umihi. Sumakit ang pantog niya tuloy kakapigil sa ihi kanina. Tinulugan niya kasi.