NAPAYUKO SI DAPHNE nang makita ang sasakyan ng asawa sa labas ng pinagtatrabahuan niya. Kanina pa ito doon naghihintay sa kan’ya. Sinabihan na nga niya ang kasamahang nauna, na sabihan ang asawa niya na umuwi na siya. Pero mukhang hindi ito naniwala sa kan’ya. Nanatili pa rin ito. “Ginagawa mo?” pang-aasar na sabi ni Amelie nang makita na ganoo ang posisyon niya. “Ayaw niyang umalis, e.” Tukoy niya sa asawa. Sumilip din ito. “Hindi talaga aalis ‘yan. Sabi ko kasi nandito ka pa.” Tumayo siya ng maayos at hinarap ang kaibigan dahil sa narinig. “Kaya naman pala, e.” Kanina pa siya tago ng tago tapos alam pala nito na nandito pa siya. Sayang lang ang pagod niya kakatago. “Ba’t mo kasi tinataguan si baby?” Tumatawa ito. Naikuwento niya kasi rito ang endearment ni BK sa kan’ya, kapag nasa m