SABAY NA NAPATINGIN si BK at Daphne sa bintana nang marinig ang lakas ng hanging humahampas sa bintana nila, na malapit sa komedor. Bukas ang isang bintana kaya dinig nila sa loob ang tunog na nagmumula sa malakas na hangin. Kasunod niyon ang pagtunog ng telepono mula sa sala. Nagkatinginan pa silang dalawa. Si BK ang tumayo para sagutin ang tawag. Kakasimula lang nilang mag-almusal ng mga sadaling iyon. Nakailang subo na siya nang makitang pabalik na si BK. “Si Papa ang tumawag. Cancelled lahat ng flights, local at intenational dahil sa paparating na bagyo,” malakas ang boses nito dahil hindi pa nakakarating sa komedor. Bahagya siyang nalungkot. Tumingin siya sa asawa kapagkuwan. “Kailan daw ang re-schedule ng flight?” “Don’t worry, ‘pag bumuti naman ang panahon resume naman kaagad