TUMAYO SI DAPHNE nang tumalikod ang asawa. Sinagot na kasi nito ang tumawag. Hindi niya alam kung sino 'yon. Napangiti siya nang makitang nagulo ng bahagya ang towel ni BK. Kita ang hita nito. Hindi niya alam kung may suot ba ito sa loob. Napalingon sa kan'ya ang asawa nang tumayo siya. Kumunot pa ang noo nito. Pumorma ang labi nito mayamaya ng, stay there. Hindi niya sinunod kaya lumapit ito at hinigit nito ang beywang niya. May kausap pa rin ito. Lukot pa rin ang noo nito. Napapikit siya nang ilapit nito ang mukha sa leeg niya habang nakikinig sa kausap. "I'm with my wife, 'Ma." So, Mama pala nito ang kausap. Huminto ito saglit at pinakinggan ang sinasabi sa kabilang linya. Napaangat ng tingin ang asawa. Ano kaya ang sinabi ng Mama niya? Ilang sandali lang ay tumingin ito sa kan